Menu Close

Confradia Sagrada Familia – Song

DanceConfradia Sagrada Familia
Place of OriginKawit , Cavite
Date 
ResearcherRamon A. Obusan
Contact Person 
Lyrics 
  

JOSE
Ito pong aming paglapit
May bahay na iniibig
Kami poy namamanhik
Ang awa moy ilawit

MARIA
kami po ay kahabagan
Ampunin at itanghal
At ng aming maiwasan
Ang hirap sa paglalakbay

KASERO
Sino’t taga saan kayo
Mga pangahas na tao
Na pumukaw ng tulog ko

JOSE
Kung iyo pong manimarapat
Na kami ay makaayat
Sa bahay mo’t magpalipas
Ng pagod at malaking puyat

MARIA
Kahit man po sa batahan
Kung wala kaming kalagayan
Nitong mahal mong tahanan
Sa gabing ito ay makaraan

KASERO
kayoy lubhang makabuwisit
Magsing-irog na walang kaparis
Hindi marunong mag-isip
Mapangahas na paglapit
Diba ninyo namamahas
Bintana ko’y nakalapat
Bakit kayo nagsitawag
At ako ay binagabag?
Sarili ko itong bahay
Hindi ako kinukulang
Kayo’y di ko kailangan
At isa pang pasikip lamang
Hayo’t kayo ay lumakad na
Di ko na ibig pang makita
Pinto ko’y masasaran
Sa dukha at walang kaya.

DUO
huwag ikait ang awa
Sa aming nagdadalita
Gagantihan kayong pala
Ni diyos na makalinga

JOSE
hulugan kami ng grasya
Upang di na makakita
Ohl Maawaing Diyos Ama
Na tirahang piniita

MARIA
kayo’y huwag ng umulit
At kapag ako ay nagalit
Mga aso kong mababagsik
Ang sa inyo ay maghahatid

KASERO
tayo’y ayaw tanggapin
Huwag nating kapilitin
Aba tayo’y ang hanapin
Ang may pusong maawain

MARIA
kami po ay nagpapaalam
Sa inyo mabunying maybahay
Sinta ko halina at lisan

JOSE
Ito ay lugar ay mayayaman
Nadudurog yaring dibdib
Sa tuwi kong mamasid
lyang hirap mo at sakit
Oh! Birhen kasi ko at ibig

MARIA
Nanasok sa aking balak
Kita ay pulawal sa siyudad
Sa bukirin na humanap
Ng masisilungan dapat
Ang balak mo kasI kong Jose
Siya ko ring naiisip
Tumawag kita sa langit
At tunguhin na ang bukid
DUO’
JOSE, MARIA:
llayo mo sa panimdim
Ang kahinaan ko giliw
Aba at huwag tumigil
At ng sa gabi ay huwag lalimin

12 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.