Dance | Halina sa Lucban |
Place of Origin | |
Date | |
Researcher | Ramon A. Obusan |
Contact Person | |
Lyrics | |
Halina , Halina saming bayan
Anyaya namin ay inyong pa-irugan
Upang madama panahong kay inam
Sa tanawin kayo’y masisiyahan
Bawat pook kay ganda at malinis
Mga bukirin, kakahuyan at mga batis
Ang Bundok Banahaw, Paanan at mga Libis
Paraiso kung masdan sadyang kaakit-akit
Kay lamig ng simoy ng hangin
Masaganang tubig dalisay na inumin
May anyayang dulot na ligaya at aliw
Bawat pihikang puso’y mananabik
Putoseko, budin , tikoy, Espasol, Hinalo’t Palitaw
Longganisa, Sinukmani, Pancit , Puto, Atsara’t Suman
At Pag-alis ng Panauhin may pabalot pang bigay
Kayat halina, halina sa lucban.
Kay lamig ng simoy ng hangin
Masaganang tubig dalisay na inumin
May anyayang dulot na ligaya at aliw
Bawat pihikang puso’y mananabik
Putoseko, budin , tikoy, Espasol, Hinalo’t Palitaw
Longganisa, Sinukmani, Pancit , Puto, Atsara’t Suman
At Pag-alis ng Panauhin may pabalot pang bigay
Kayat halina, halina sa lucban.