Dance | Putungan |
Place of Origin | |
Date | |
Researcher | Ramon A. Obusan |
Contact Person | |
Lyrics | |
I
Ng kami dumating sa inyong harap
Agad sinalubong ng kaginhawaan
May dalawang anghel na namamagitan
Tig-sang kandila ang hawak sa kamay
II
Kami ay may dalang mga korona
Sa kamahalan nyo ay nakatalaga
Ang kasama nitoy marikit na palma
Sampu ng bulaklak na kaaya-aya
III
Hayuna’t lumabas ang ilan sa inyo
Ang dalang korona ay iputong sa ulo
Kasama ang palma, sabay abot sa inyo
Kasabay ang sabog ng azucena’t amarillo
CHORUS:
Viva, viva,viva mabuhay, mabuhay
Mabuhay nawa ang puputungan namin
kahit manawari habaan ang buhay
at sa madlang panahon walang karamdaman
Viva, viva, viva, Buhayin ,Buhayin
Ang mga ginoong puputungan namin
Mga kasama naman ay ganun din
May dalang regalo bulaklak na baging
IV
Ang mga angheles na tunay ay lumapit
May dalang regalo na galing sa langit
Ito ay padala ng birheng marikit
Sa harap ng santo aming ihahagis
V
Sasabugan kayo ng mga bulaklak
Mababangong jasmin, champaca at rosas
Samantala kami umaawit sa galak
Kayo ay sasabugan ng buong pagliyag
Repeat I,II,III
Mabuhay
Mabuhay
Mabuhay
Mabuuuuuhay………Mabuhay!