Menu Close

Pamaypay ng Maynila

DancePamaypay ng Maynila
Place of Origin 
Date 
ResearcherRamon A. Obusan
Contact Person 
Lyrics 
  

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan
Ay siyang nagsasabi ng damdamin yaring buhay
Ang bawat mga kilos, at hudyat ng pamaypay
May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan

Pag ito’y nakatabing sa tapat ng mukha ko 
Ang ibig na sabihin , nahihiya ang puso ko
Ngunit pag namasdan mo,ang sulyap ko ay sayo
Ang ibig sabihin may pag-asa ang puso mo
Pag itoy pinamaspas ng panay at matulin
Ako ay nagagalit wag mo sanang babatiin
Subalit pag banayad may ngiti pa at lambing
Ako ay umiibig , lapitan mo aking giliw

CHORUS:

Pamaypay ng Maynila, Kay sarap na gamitin
Pang aliw at panlunas sa mainit na damdamin
Bawat simoy ng hangin , na dito ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

Pamaypay ng Maynila, Kay sarap na gamitin
Pang aliw at panlunas sa mainit na damdamin
Bawat ihip ng hangin , na ditto ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

Leave a Reply

Your email address will not be published.