Apayao | “Ama edan mo kami napiya nga agamay kiya mulmul ami Se edan mu kami napiya nga Rekrekna itan nga algaw” Mula sa hilagang bahagi ng cordillera, Ako ay isang isneg, mga taong naninirahan sa baybayin ng ilog apayao. Sinasabi na ang aming mga ninuno ay mga Proto-Austronesian na naglakbay mula sa timog tsina libu-libong taon na ang nakaraan. Pagsasaka at pangingisda ang aming pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan. Binuron ang tawag sa ang aming bahay, ito ay natatanging halimbawa ng sinaunang arkitektura sa buong luzon na ang disenyo ay hango sa hugis ng isang bangka. Kami ay mapayapa, ngunit mapanganib na mandirigma. Hoopoot kaliwatan laksayan!!!! |
Benguet | Ako ay isang Benguet na naninirahan sa lambak ng la trinidad. Ang kilalang summer destination ng Pilipinas – ang Baguio city – ay dating bahagi ng Benguet ngunit ito ay nahiwalay nang maging charter city ito. May dalawang pangkat ang mga Benguet - ang mga IBALOY na nangangahulugang mga taong naninirahan sa bahay, at ang mga KANKANAI na siya ring tawag sa aming kultura at salita. Dahil likas sa amin ang magtanim ng sari-saring gulay at prutas kung kaya‘t tinagurian kaming “the vegetable keepers” ng cordillera. Sa kabuuan ng mga taga- cordillera, tanging mga bengeut lang ang nagsasagawa ng “silling” o sistema ng corpse preservation o mummification. Sa aming sayaw na “tarektek” o woodpecker dance, ginagaya namin ang pagkilos ng nasabing ibon. Sa saliw ng ganza at paggamit ng kumot na abel iloko, kinakatawan nito ang hasik ng boses at pagaspas ng pakpak ng mga tarektek. Mga kaibigan, ang tarektek |
Bontoc | Ako ay isang Benguet na naninirahan sa lambak ng la trinidad. Ang kilalang summer destination ng Pilipinas – ang Baguio city – ay dating bahagi ng Benguet ngunit ito ay nahiwalay nang maging charter city ito. May dalawang pangkat ang mga Benguet - ang mga IBALOY na nangangahulugang mga taong naninirahan sa bahay, at ang mga KANKANAI na siya ring tawag sa aming kultura at salita. Dahil likas sa amin ang magtanim ng sari-saring gulay at prutas kung kaya‘t tinagurian kaming “the vegetable keepers” ng cordillera. Sa kabuuan ng mga taga- cordillera, tanging mga benguet lang ang nagsasagawa ng “silling” o sistema ng corpse preservation o mummification. Sa aming sayaw na “tarektek” o woodpecker dance, ginagaya namin ang pagkilos ng nasabing ibon. Sa saliw ng ganza at paggamit ng kumot na abel iloko, kinakatawan nito ang hasik ng boses at pagaspas ng pakpak ng mga tarektek. Mga kaibigan, ang tarektek |
Bago | Bunga ng pagsasanib ng ilang itneg at ilokano, nabuo ang panibagong cultural community na matatagpuan sa paanan ng Ilocos sur. Kami ang Bago. Nabubuhay kami sa simple at ordinaryong pamumuhay na ginagamitan namin ng tradisyunal na pamamaraan. Karamihan sa aming mga sayaw ay halaw sa galaw ng iba’t-ibang hayop. Isa sa mga halimbawa nito ay ang manmanok na kung saan, ang galaw ng mga kalalakihan ay halaw sa galaw ng tandang na sinasaliwan ng simbal at ganza. Lubos kong ipinagmamalaki ang yaman at kultura ng aming tribo. Muli, kami ang mga Bago. |
Gaddang | Gaddang - nangangahulugang nasunog sa init ng araw – bansag sa amin dahil sa kayumangging kulay ng aming balat. Kami ay naninirahan sa piling lugar sa isabela, quirino at nueva vizcaya. Minsan, napagkakamalan din kaming mga kalinga dahil sa pagkakahawig sa aming mga kasuotan. Ngunit kakaiba ang pamamaraan kung paano namin binibigyang pansin ang magagarbo naming pananamit. Masinsin at pino ang abaloryo o beadwork. Ito marahil ang dahilan na kung bibilhin ang aming kasuotan, ito ang pinakamahal sa buong cordillera. |
Itneg | Mula sa bulubunduking bahagi ng Abra, Ilocos Norte at Sur, kami ang mga tingguian, mas kilala bilang itneg. Ang itneg ay galing sa salitang ilokano na iti uneg o sa tagalog mula sa loob o sa ingles na People of the interior uplands. Kinikilala kami bilang pinakamasipag at pinakamalinis sa buong cordillera. Kadalasan ginagamit namin ang mga instrumentong ganza, bungkaka at diw-diwas. Isinulat namin sa pamamagitan ng paghahabi ang aming mga kuwento gaya nang dumating ang mga kastila – ang pagpapakilala ng kristiyanismo, ang pagdating ng american educational system at sa aming mga ritwal, ang minat-mata, ang hypnotic blanket at ang death blanket. "di kami cot Itneg" |
Ilongot | People of the Forest ang tawag sa amin, kami ang mga Ilongot. Sa kagubatan ng lalawigan ng Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Quirino kami matatagpuan. Kahit na kilala kami bilang manunugot ng ulo, likas sa amin ang pagsayaw at pag-awit. Katulad ng tagem o post-head-hunting dance kung saan ipinapakita ang pagdiriwang ng mga kalalakihan mula sa pamumugot ulo. ito ay sinasabayan ng kababaihan sa pagtugtog ng kolesing o bamboo zither. Bilang palatandaan at simbolo sa isang matagumpay na pagpugot ng ulo, ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng kango – isang headdress na yari sa rattan at brass wire na pinamamalamutian ng shells at isang malaking tuka ng kalaw o horbill. Mapanganib, mabangis, ngunit mapagmahal – ilongot. |
Ifugao | Sa gitnang bulubunduking bahagi ng cordillera, dito nakatira ang mga Ifugao, kilala sa mga baha-bahagdang palayan o rice terraces na nagmimistulang mga hagdan patungong kalangitan. Pagsasaka at pagtatanim ang aming pangunahing kinabuhayan. Bukod dito, kami rin ay nangingisda sa mga ilog at sapa, naghuhulma ng mga palayok, naghahabi at naglililok. Ilan sa mga tanyag na gawang kahoy ay ang bulol o anito ng mga palay o rice god na inilalagay namin sa aming mga imbakan ng palay at ang Hagabi, na nagpapahiwatig ng katayuan ng isang pamilya sa komunidad. Tulad din ng mga ibang pagkat cordillera, may sarili din kaming sistema ng gobyerno, panitikan, arkitektura, musika,sayaw, tradisyon at ritwal. Ang people of the cosmic earth, kami ang mga Ifugao. |
Indigenous Group | Spiel |
Kalinga | Tinaguriang “peacocks of the mountains” dahil sa masusi at metikolosong paggawa ng makukulay at magagarbong kasuotan, kami ang tanyag na Kalinga – isa sa mga ethno-linguistic groups na matatagpuan sa hilagang Luzon. Likas sa amin ang maging mapula ang kulay ng balat, makisig na pangangatawan at matapang sa pakikidigma. Dahil dito kami ang kauna-unahang mga alagad ng batas sa Cordillera. Dahil sa katapangang ipinapakita, husay at galing sa labanan, ang bawat guhit ng tatoo sa aming katawan ay katumbas ng isang ulo ng kaaway at kung puno ang aming katawan, ipinamamana namin sa panganay na anak na babae at hindi sa anak na lalaki sa kadahilanang balang araw, ang anak naming lalaki ay makakaipon din ng sarili niyang marka sa lipunan. Sa ibanag ang salitang kalinga ay nangangahulugang – kaaway, mandirigma o mamumugot ulo. Romantiko Ngunit Mapanganib. Kami ang mga Kalinga. |