Menu Close

Dalagang Pilipina

DanceDalagang Pilipina
Place of Origin 
Date 
ResearcherRamon A. Obusan
Contact Person 
Lyrics 
  

Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda

Maging sa ugali , maging sa pagkilos
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso , maging sa pag-irog
May tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag
Ang amoy ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakila panghiyas

Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang Dalagang pilipina
Karapat-dapat sa isang Tunay na pagsinta

Bulaklak na tanging marilag
Ang amoy ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakila panghiyas

Pang-aliw sa pusong may hirap
Batis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang Dalagang pilipina
Karapat-dapat sa isang Tunay na pagsinta

Leave a Reply

Your email address will not be published.