Menu Close

Panawagan ng mahal na birhen – Song

DancePanawagan ng mahal na Birhen (Panunuluyan ng mga buntis)
Place of OriginPalocpoc , Mendez , Cavite
DateSeptember 20 , 2003
ResearcherRamon A. Obusan
Contact PersonZion Cleto
Other Details 
Lyrics 

I

(Nananawagan)

May bahay na nahihibing
Sa katre’y nagugupiling
Maawa na pong dungawin
At sandaling kami’y inyong dingging

Kami po ay naglalakbay
Na paregrina kung turan
At sa samang kapalaran
Ay dinilim kami sa lansangan

Ang sanhi po at dahilan
Ng paglipat sa tahanan
Baka kami ay kaawaan
Patutuluyin man lamang

II (Maybahay)

Kami po ay pagpasensiyahan
At dine po sa tahanan
Walang – wala dine malalagyan
At punong – puno nang tunay

III (Nananawagan)

Kahit na po saan diyan
Sulok ng inyong tahanan
Maanong kami’y inyong bigyan
Maanong kami’y kahabagan

IV (Maybahay)

Kayo’y napaka-uulit
Sinabi nang wala’y bakit?
Bakit ka nagpupumilit?
Hayo’t kayo’y magsi-alis

V (Nananawagan)

Paalam na po kung gayon
May bahay na panginoon
At kung di man kami pinatuloy
Salamat din aming tugon.
Patuluyin man lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.